MarokiRan
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

MarokiRan


 
HomePortalLatest imagesSearchRegisterLog in

 

 Merry Christmas & Happy New Year.........

Go down 
AuthorMessage
mrdeathgod
Super Moderator
mrdeathgod


Posts : 34
Join date : 2008-11-21
Age : 44

Merry Christmas & Happy New Year......... Empty
PostSubject: Merry Christmas & Happy New Year.........   Merry Christmas & Happy New Year......... I_icon_minitimeWed Dec 03, 2008 11:42 pm

Ang aking mensahe para sa inyong lahat ngayon Pasko! Very Happy
Current mood: clueless

Minsan kailangan mong pigilin yung nararamdaman mo, para hindi na masyado masakit.

Minsan kailangan natin manahimik sandali para hindi na tayo mabingi sa katotohanan.

Minsan kailangan natin paiwan yung tsinelas ng mga taong pumapasok sa
buhay natin, para hindi na tayo mahirapan maglinis ng mga bakas nito,
kung sakaling iwanan nila tayo.

Minsan palaging mahirap yung mga dadating na pagsubok sa buhay, yung
tipong akala mo hindi mo na kakayanin, pero kaya mo pa pala.

Minsan kailangan natin magkunwari para hindi tayo magmukhang tanga.

Minsan kailangan natin magtago ng nararamdaman, itago ang mga hinanakit natin sa iba, para hindi lang sila masaktan.

Minsan kailangan natin mawalay sa mga importanteng tao sa buhay natin,
hindi para magkanya-kanya, pero para magkaron ng kaunting agwat yung
sobrang pagsasama.

Minsan kailangan natin dumepende sa iba para makatakas sa kasalanan.

Minsan kailangan magsalita ng tapos para hindi na paligoyligoy.

Minsan papaharapin tayo sa mundo nang walang alam tapus mapapahiya lang tayo.

Minsan kailangan nating magsisi sa mga bagay na ginawa natin, para matuto tayo.

Minsan kailangan nating makinig sa sinasabi ng iba para hindi tayo nagmumukhang ignorante.

Minsan kailangan nating iwanan yung mga tao/bagay na hindi NA tayo napapasaya.

Minsan kailangan natin malungkot ng sobra para unti-unti tayong makatayo uli.





Hindi natin kailangan magbago, hindi natin pwedeng ipilit yung gusto
natin, hindi tayo ang palaging dapat nagdedesisyon, hindi tayo yung
palaging aasahan, hindi lang ikaw ang tao sa mundo, hindi lang ikaw at
ikaw ang nahihirapan, nasasaktan at nagdudusa. Sad Isipin mo na lang ang
buhay ng preso sa buhay mo ngayon, nakakapaginternet ka pa't
nakakapagbasa ng aking makabuluhang entry. Very Happy Hehe...



Hindi ikaw ang superhero, minsan kailangan may umagaw ng eksena mo para
mabawasan ang yabang sa sarili mo, nang maisip-isip mong -- shet ang
yabang ko na pala, ayan tuloy pahiya ako. Hindi lang tayo ang
namumrublema, hindi lang tayo yung nasusugatan, naiipit sa trapik,
naiiwan ng LRT at nauubusan ng lakas ng loob.



Hindi lang ikaw ang gwapo, maganda, sikat at bida palagi, hindi lang
ikaw ang anak ng Diyos marami pang iba. Very Happy Hindi lang ikaw ang
karapat-dapat nilang mahalin, dapat mahalin mo rin sila. Hindi lang
dapat ikaw ang pinapakinggan matuto ka ring makinig, hindi lang ikaw
ang dapat iniintindi, dapat matuto ka ring umintindi, kahit mahirap.
Kasi may mga taong nasasaktan habang ikaw nagaakalang ayos pa ang lahat
ng nasa paligid mo...



Hindi lang ikaw ang dapat paniwalaan, matuto tayong paniwalaan ang iba,
matuto tayong humingi ng dispensa, ng awa at ng palakpak nila. Hindi
naman masama ang tumawa ng pagkalakas-lakas na parang wala nang bukas,
pero sana e matuto tayong maging manonood at hindi ang pinapanuod.
Matuto tayong pumalakpak at 'wag masanay sa puri, malay mo sawang-sawa
na pala ang nasa paligid mo, ikaw hindi mo alam yun kasi iniisip mo
lang ang sarili mo.



Hindi lang ikaw ang magaling, marami pang iba. Hindi lang ikaw ang MVP,
may mas magaling pa sa'yo. Hindi ka santong dapat sambahin, hindi ka
Presidenteng dapat bigyan ng masayadong papuri -- pare-pareho lang
tayong tao rito, at nabubuhay para sa iisang Diyos, hindi ikaw ang
Diyos, hindi ako, hindi rin ang mga mas nakakatanda sa'yo, hindi ang
mga kaibigan mo, ninong, ninang -- na hinihingan mo ng aginaldo kapag
pasko -- hindi ang mga tito't tita mong madali mong nauuto, hindi ang
mga kuya't ate mong nanguuto sa'yo, at hindi sa nakababatang kapatid
mong uto-uto...



Sana ngayong pasko, hehe, ay maalala mo pa rin ako... Muling makita ka,
at makasama ka... Sa kaarawan ko... Matuto tayong kilalanin ang Diyos
nating makapangyarihan, ang Diyos nating tapat, at Tagapagligtas natin
hindi nagbabago at hindi magbabago, our One and Only God, Saviour,
Jesus Christ. Very Happy




Merry Christmas and Happy New Year! Very Happy



CHURVA ni [GM]-DeathGOD-
Back to top Go down
 
Merry Christmas & Happy New Year.........
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
MarokiRan :: Server Talk :: General Chat-
Jump to: